|
AquariusJan 20 - Feb 18 Sariling sikap ka ngayon dahil maging magulang o kaibigan ay hindi makakatulong kung ikaw ay may kailangan. Sa trabaho, kapansin-pansin ang kakaibang sipag mo at pagiging ma¬sayahin kahit maraming pressure. Lucky numbers at color for the day ang 3, 21, 24, 33 at old rose.
PiscesFeb 19 - Mar 20 Kung isang empleyado, ang bali-balitang magsasara ang inyong kumpanya ay magbibigay sa iyo ng pa¬ngamba. Ikaw ay mangungutang sa isang kasambahay o kaibigan na su-werte sa pera ngayong araw. Lucky numbers at color for the day ang 5, 16, 23, 32 at magenta.
AriesMar 21 - Apr 19 Ikaw ang breadwinner kaya hangga’t maaari, pag-ukulan ng tamang atensyon ang kalusugan. Magiging masaya ang mga pangyayaring magaganap ngunit may seryosong usapin sa dapithapon o gabi. Lucky numbers at color for the day ang 10, 19, 22, 25 at sapphire blue.
TaurusApr 20 - May 20 Masaya ang lovelife sa araw na ito dahil iiral ang pagseselos ng mina¬mahal kahit walang dahilan. Hindi ka mahi¬hirapan sa pakikisalamuha sa iba’t ibang tao dahil taglay mo ang mala-bato¬balaning karisma. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 26, 36 at cardinal red.
GeminiMay 21 - Jun 21 Dumis¬¬tansya ka muna sa mga kaibigan na madalas gumimik tuwina upang makatipid. Mag-concentrate sa iyong proyekto upang matapos sa takdang pa¬nahon. Kung magiging easy-go-lucky ka sa iyong buhay ay tiyak na magsisisi ka. Lucky numbers at color for the day ang 13, 24, 33, at 44 at terra cotta brown.
CancerJun 22 - Jul 22 Huwag panay sarili lamang ang intindihin. Kailangang tingnan mo rin ang kapakanan ng ibang tao lalo na ang pamilya. Mag-attend ka ng seminar na may relasyon sa trabaho upang lalong ma¬dagdagan ang iyong kaalaman. Lucky numbers at color for the day ang 3, 14, 17, 27 at cobalt blue.
LeoJul 23 - Aug 22 Huwag idaan sa biro o pahiwatig ang sa¬loobin o sadya. Maging prangka pero himayin ang tamang salitang bibig¬kasin. Lucky numbers at color for the day ang 10, 25, 27, 29 at purple.
VirgoAug 23 - Sep 22 Hindi kailangang bulyawan ang isang kasama sa bahay o katrabaho kung mag-uutos. Igalang ang damdamin ng iba dahil marunong din silang masaktan. Lucky numbers at color for the day ang 22, 26, 30, 38 at coral red.
LibraSep 23 - Oct 22 Magiging mabilis ang iyong trabaho kung maayos ka sa gamit. May katuparan ang hinahangad na pama¬masyal kasama ang minamahal sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 3, 14, 21, 30 at khaki brown.
ScorpioOct 23 - Nov 21 Nasa signos na may mawawalang bagay o may mangya¬yaring damage sa gamit kaya mag-ingat. May pananagutan ka na sa buhay pero uusbong ang maling damdamin para sa isang kaibigan o bagong kakilala. Lucky numbers at color for the day ang 3, 24, 34, 37 at burgundy red.
SagittariusNov 22 - Dec 21 Pilitin mo na huwag makipagtalo sa minamahal lalo na kung tungkol sa pagseselos. Tama ka sa iyong gagawin dahil kapag nagtalo kayo ngayon ay hahantong sa hindi maganda. Lucky numbers at color for the day ang 2, 20, 22, 32 at neon blue.
CapricornDec 22 - Jan 19 Kung magagalit ka ay talo ka dahil sisirain ang iyong bu¬ong araw. Ituloy ang balak. Nariyan lang sa tabi ang isang taong handang umalalay sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 4, 9, 19, 29 at almond brown.
|